Government Entity Direct Services LGBTQ+ Services Indirect Services Law Enforcement Eurasia Foundation Freedom Collaborative

Tungkol sa Global Modern Slavery Directory

Ang modernong pang-aalipin ay isang pandaigdigang isyu na nangangailangan ng coordinated global response. Ito ang kaso para sa pagsisikap na iwaksi ito sa pangmatagalan, at sa pang-agaran, para matulungang makahanap ng kalayaan ang mga indibidwal na survivor ngayon din. Ang mga non-governmental organization (NGOs), multilateral institution, government stakeholder, at law enforcement agency na nagsisikap kalabanin ang modernong pang-aalipin ay dapat magtagpo at makipag-ugnayan lampas sa mga border. Dahil sa layuning ito, ginawa ng Polaris ang Global Modern Slavery Directory (GMSD), isang interaktibo at searchable na map at database ng mga organisasyon at ahensiya sa buong mundo na tumutugon sa isyu ng modernong pang-aalipin at human trafficking. Nagbibigay rin ang GMSD ng visualization ng global safety net para maobserbahan ng mga stakeholder at researcher ang mga pagkukulang sa serbisyo para sa mga bulnerableng populasyon at pag-ugnayin para tumugon nang naaayon.

Kabilang sa GMSD ang mga organisasyon na tumutugon sa lahat ng uri ng human trafficking, kabilang ang sex trafficking, sapilitang pagtatrabaho at debt bondage, sapilitang pagpapakasal at child marriage, child trafficking, child pornography, organ trafficking, trafficking sa loob ng internasyonal na pagpapaampon, at mga international marriage brokering mechanism (“bride trafficking”).

Kabilang sa mga organisasyon ang mga direct service provider, ahensiya ng pamahalaan, law enforcement agency, pati na rin ang mga grupong nagsisikap na magbigay ng kamalayan, nag-a-advocate, at nagsusulong ng pagsugpo, o mga organisasyon na tumutulong sa mga biktima ng trafficking habang tinutugunan ang mga kaugnay na isyu, tulad ng pananamantala sa manggagagawa, proteksiyon ng bata, o karahasan sa tahanan.

Dinisenyo ang Global Modern Slavery Directory para maging kasangkapang makakatulong sa mga stakeholder sa global anti-trafficking field: mga service provider, potensiyal na biktima, survivor, miyembro ng komunidad, researcher, estudyante, at iba pang nais tumukoy o makipag-ugnayan sa resources.

Aming mga Partner

Ipinagmamalaki namin na nakipag-partner kami sa Pakikipagtulungan Para sa Kalayaan, isang online at password-protected na platform para sa mga anti-trafficking stakeholder na nagbibigay ng newsfeed na ina-update ng mga user, isang pandaigdigang komunidad ng mga organisasyon at pananaliksik, at mga resources na programmatic at tungkol sa batas.

Ikinararangal din naming makipagtrabaho sa Eurasia Foundation sa pagbuo ng matatag na CSO network para tugunan ang mga isyu sa human trafficking sa buong Eurasia.

Madaling matukoy sa directory sa mga sumusunod na badge ang mga organisasyong nakalista sa loob ng GMSD na bahagi rin ng Freedom Collaborative at/o ang Eurasia Foundation: at ayon sa pagkakabanggit.

Paano Sumali o I-update ang Iyong Impormasyon

Mangyaring mag-click dito para dalhin sa pahina ng mga miyembro para matuto pa.

Mga Organisasyon sa loob ng GMSD

Pakitandaan na ang pagkakabilang sa Global Modern Slavery Directory ay hindi indikasyon ng pag-endorso ng mga gumawa ng GMSD. Ang mga organisasyong nakalista sa GMSD ay nakatugon sa mga minimum na kahingian para sa pagpapabilang batay sa impormasyon na kaniya-kaniyang ni-reprint ng bawat organisasyon, at pumayag na ibahagi sa publiko ang kanilang impormasyon sa site. Para sa higit pang impormasyon at pamantayan sa pagpapabilang, rebyuhin ang GMSD – Service Provider Guidelines and Expectations document. Nagsagawa ang Directory ng mga makatwirang hakbang para i-verify na ang bawat organisasyon ay nakatugon sa pamantayan sa pagpapabilang; gayumpaman, hindi responsable ang Directory para sa katumpakan ng impormasyon na nilalaman ng site na ito.

Mag-reprint/repost ng mga Request

Maaaring i-reprint at i-repost ang impormasyon at resources na available sa www.gmsddev.ck.agency basta’t ang resources na ginamit nang buo ay walang mga edit at babanggitin sa repost ang Global Modern Slavery Directory.

Gustong pasalamatan ng Polaris ang Chong & Koster para sa kanilang pag-develop at suporta sa GMSD website.

Kontakin Kami

May mga tanong ka ba o ideya para sa mga potensiyal na paggamit ng Global Modern Slavery Directory? Pakigamit ang Feedback Form para ibahagi sa amin ang mga naiisip mo.

Kung isa kayong organisasyon na gustong mailista sa Global Modern Slavery Directory, pakisagutan ang Form ng Aplikasyon. Kung kabilang na ang organisasyon ninyo sa Global Modern Slavery Directory ngunit gustong i-update ang naka-display na impormasyon, mangyaring mag-request ng update form o padalhan kami ng email sa global@polarisproject.org. Tingnan ang pahina ng Mga Miyembro para sa higit pang impormasyon.

Para matuto pa tungkol sa Polaris, puntahan ang www.polarisproject.org.

Logo
This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.