Government Entity Direct Services LGBTQ+ Services Indirect Services Law Enforcement Eurasia Foundation Freedom Collaborative

FAQ – Mga Madalas Itanong

Para sa higit pang impormasyon kung paano gamitin ang GMSD at ang kahulugan ng impormasyong nakapaloob, pakitingnan ang mga FAQ sa ibaba.

Bakit may service provider na nakalista sa itaas ng home page?

  • Kung naka-on ang location services sa iyong device, ipapakita ng Directory ang pinakamalapit na service provider sa iyong lokasyon, anuman ang tier (para sa higit pang mga tier, tingnan ang “Ano ang ibig sabihin ng mga icon?” sa ibaba). Kung gugustuhin mo, puwede mong baguhin ang iyong lokasyon sa pag-click ng “Baguhin ang Lokasyon” sa itaas na kaliwang sulok ng box, o gamitin ang mapa sa ibaba para mag-search ng mga service provider sa mga ibang lokasyon. Para makita pa ang impormasyon tungkol sa organisasyon, i-click ang “Higit pa tungkol sa provider na ito” na light blue sa ibaba ng box. Para makita pa ang mga resulta para sa lokasyon, i-click ang “Higit pang resulta mula sa lokasyong ito” sa ilalim ng box.

Paano ko gamitin ang mapang ito?

  • Magsimula sa pamamagitan ng pag-identify muna ng lokasyon (lungsod o bansa) na gusto mong i-search at ilagay ito sa search bar sa itaas na kanang sulok ng mapa.
    • Puwede ka ring mag-click sa bansa na nasa loob ng mapa para makita ang listahan ng mga organisasyon na nasa bansang iyon.
  • Puwede mo ring gamitin ang mga filter para paghiwalayin ang mga organisasyon ayon sa:
    • Mga Uri ng Trafficking
    • Mga Populasyong pinaglilingkuran
    • Mga Serbisyong binibigay
    • Mga Industriyal na Sektor
    • Koalisyon
  • Makikita sa mga inisyal na resulta ang unang pasilip na impormasyon tungkol sa isang organisasyon: Pangalan, lokasyon, Hotline number at mga oras (kung available), mga uri ng trafficking, mga populasyong pinaglilingkuran, mga serbisyo, kung kailan sila huling in-update sa Directory, kanilang tier, at mga icon na kaugnay sa kung anong uri ng provider sila. Para magkaroon ng higit pang impormasyon tungkol sa isang service provider (kabilang ang mga numero ng telepono, karagdagang hotline, industriyal na sektor, mga bansa kung saan ito nag-o-operate, mga wikang sinasalita), paki-click ang “Tingnan pa.”
  • Kung nagse-search batay sa bansa, magpapakita ang mapa ng mga resulta para sa mga organisasyon batay sa bansa pati na rin mga organisasyon na matatagpuan sa labas ng bansa kung nagbibigay ang huling nabanggit ng mga serbisyo o may mga proyekto sa sinearch na bansa.
  • Kung gusto mong mag-zoom in at out sa mapa sa pamamagitan ng scroll wheel ng iyong mouse, i-click ang toggle para maging “zoom”. Kung gusto mong lumipat ng pahina pataas at pababa sa mapa sa pamamagitan ng scroll wheel ng iyong mouse, i-click ang toggle para maging “scroll”.

  • Pinakamahalaga sa amin ang kaligtasan ng mga gumagamit sa GMSD. Sa dahilang ito, naglagay kami ng toggle para sa ligtas na browsing. Kapag in-“on”, hindi ita-track ang mga galaw mo sa site at pag pinindot ang “back” button, dadalhin ka nito sa parehong site sa “Quick Exit” button. Kapag in-“off”, mata-track ang mga galaw mo sa site at makakabalik ka sa mga naunang pinuntahang pahina.

    • Nirerekomenda pa rin namin na sundan mo ang mga pinakamagandang gawain para sa ligtas na browsing:
      • Burahin ang Search History
        Tina-track ng mga search engine ang iyong mga online search at maa-access ng iba ang impormasyong ito gamit ang parehong computer. Kung nag-aalala ka na makikita ng iyong trafficker kung ano ang mga sine-search mo sa online, mahalaga na burahin mo ang iyong search history matapos ang bawat session. Narito ang mga instruksiyon sa Google, Yahoo, at Bing.
      • Burahin ang Browser History
        Sine-save ng iyong browser ang listahan ng lahat ng mga website na pinuntahan mo habang nasa internet, at dapat burahin matapos ang bawat session, lalo na kung pumunta ka sa mga site na gusto mong panatilihing pribado mula sa iyong trafficker. Matuto kung paano burahin ang iyong search history sa Chrome, Safari, Internet Explorer, Firefox, at Toolbar.
      • Kung naka-check ang “Gamitin ang Inline AutoComplete” sa iyong Internet settings, makokompleto ang mga partial web address habang nagta-type sa Address bar at mabubunyag kung saan ka nagba-browse. Para tiyaking hindi naka-enable ang AutoComplete, hilahin ang Tools menu, piliin ang Internet Options, at pagkatapos, i-click ang Advanced tab. May box na mache-check at maa-uncheck na tinatawag na “Gamitin ang Inline AutoComplete.” I-uncheck ang box kung naka-check ito.
    • Makakahanap pa ng online safety planning information dito (pakitandaan na sa English lang available ang impormasyon).

Ano ang ibig sabihin ng mga icon?

  • – Organisasyon ng Direktang Serbisyo
  • –  Organisasyon ng Di-direktang Serbisyo
  • – Ahensiya ng Pamahalaan
  • – Law Enforcement Agency
  • – Organisasyon na may espesyalisasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga populasyon ng LGBTQI+
  • – Access Point Organization. Nagtalaga ang GMSD ng ilang mga organisasyon bilang mga access point organization – mga organisasyon ito na maaaring nakipag-partner sa Polaris sa trabahong pang-anti-trafficking o nakipagtrabaho sa/nakatanggap ng mga potensiyal na international trafficking tip mula sa U.S. National Human Trafficking Hotline.
  • – Ang organisasyon ay miyembro ng Freedom Collaborative
  • – Ang organisasyon ay miyembro ng Eurasia Foundation

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga partnership kasama ang Freedom Collaborative at ang Eurasia Foundation, pakitingnan ang pahinang Tungkol sa Amin.

Ano ang ibig sabihin ng mga tier?

  • Tier 1 – Human Trafficking ang pangunahing pokus at layunin ng organisasyon.
  • Tier 2 – Human Trafficking ang isa sa maraming pinagtutuunan ng organisasyon.
  • Tier 3 – Hindi partikular ang pagtuon ng organisasyon sa human trafficking, ngunit  naglilingkod sa mga biktima at survivor ng human trafficking kung kinakailangan.

Ano ang itinuturing na direkta o di-direktang serbisyo?

  • Dahil sa laynin ng GMSD, ipagpapalagay na lahat ng mga serbisyong nakalista ay magiging available sa mga survivor at biktima ng human trafficking.
  • Mga Direktang Serbisyo
    • Paggamot/Serbisyo sa Adiksiyon – Pagbibigay ng panggagamot o mga serbisyo na kaugnay ng substance use o adiksiyon.
    • Pamamahala ng mga Kaso – Pagbibigay ng tulong para makaugnayan ang magkakaibang social services at/o mga benepisyo.
    • Pangangalaga ng Bata – Pagbibigay ng pangangalaga sa bata para sa mga dependent ng mga survivor (i.e. mga daycare).
    • Mga Serbisyong Pangkrisis – Pagbibigay ng agaran/emergency access para sa emosyonal na suporta, tulong sa paghahanap ng tirahan, pakikipag-usap sa law enforcement, o pag-access sa iba pang kinakailangang emergency assistance.
    • Direktang Outreach sa Biktima – Mga organisasyon na direktang nakikipag-ugnayan sa mga potensiyal na biktima kapag nagsasagawa ng outreach tungkol sa kanilang mga serbisyo. 
    • Drop-In Center – Organisasyon na may lokasyon kung saan makakapunta ang mga survivor ng trafficking nang walang appointment para magpahinga, humingi ng payo, o iba pang tulong.
    • Edukasyon/Job Training – Pagbibigay sa mga kliyente ng edukasyon at/o job training services tulad ng mga klase sa wika, klase sa computer, o job placement services.
    • Emergency na Tirahan – Pagbibigay ng agaran/emergency access sa mga ligtas na accommodation (maaaring kabilang ang mga formal shelter, safe house, at/o hotel/motel stay).
    • Pagbubuklod ng Pamilya – Pagbibigay ng tulong sa paghahanap ng mga kamag-anak at/o pagbubuklod sa pamilya.
    • Health Care – Pagbibigay ng anumang uri ng medikal na tulong.
    • Mga Legal na Serbisyo: Sibil – Pagbibigay ng legal na tulong/konsultasyon para sa mga usaping sibil-legal. (Hal: Tulong para kasuhan ang isang tao, mga karapatan ng manggagawa, diskriminasyon, atbp).
    • Mga Legal na Serbisyo: Kriminal – Pagbibigay ng legal na tulong/konsultasyon na kaugnay ng kriminal na depensa o crime victime rights advocacy. (Hal: Tulong sa expungement o vactur kaugnay ng kriminal na kaso; pagkakaso sa isa pang tao ng isang krimen). 
    • Mga Legal na Serbisyo: Pangkalahatan – Pagbibigay ng pangkalahatang legal na tulong.
    • Mga Legal na Serbisyo: Imigrasyon – Pagbibigay ng legal na tulong/konsultasyon kaugnay ng imigrasyon (Mga halimbawa: Paghahanap ng tulong kaugnay ng kasalukuyang visa o mga pangangailangan sa imigrasyon, tulong sa mga deportation proceeding). 
    • Pangmatagalang Pabahay – Pagbibigay ng non-emergency residential housing nang higit isang taon.
    • Serbisyo sa Mental Health (Out-Patient) – Pagbibigay ng indibidwal o panggrupong therapy na isasagawa ng lisensiyadong therapist. Hindi kasama sa option na ito ang inpatient services.
    • Sikolohikal na Suporta: Pangkalahatan – Pagbibigay ng pangkalahatang psychosocial na suporta.
    • Repatriation – Pagbibigay ng tulong para makabalik sa bansang pinagmulan.
    • Residential Mental Health Treatment (In-Patient) – Pabibigay ng residential treatment program para tugunan ang mga pangangailangan sa mental health o behavioral health sa isang clinical-residential setting.
    • Tirahan: Pangkalahatan – Pagbibigay ng pangkalahatang tirahan o pabahay.
    • Supportive Counseling – Pagbibigay ng supportive counseling na hindi kinakailangang mula sa isang lisensiyadong therapist.
    • Survivor Leadership – Organisasyon na may patakaran o programa para suportahan ang propesyonal na kaunlaran, leadership training, at/o employment sa mga survivor ng human trafficking.
    • Transitional na Pabahay – Pagbibigay ng non-emergency residential housing para sa tagal na isang buwan hanggang dalawang taon.
    • Tulong sa Transportasyon – Makakapagbigay ng tulong sa lokal at/o pambansang transportasyon.
  • Mga Di-direktang Serbisyo
    • Payo/Pagpaplanong Pangkaligtasan – Pagpapayo kung paano manatiling ligtas mula sa o sa loob ng isang sitwasyon ng trafficking. 
    • Grantmaking – Organisasyon na may pondo para potensiyal na magbigay sa mga ibang organisasyon ng pondo para sa mga proyektong pang-anti-trafficking. 
    • Interpretasyon/Pagsasalin – Pagbibigay ng kuwalipikadong interpreter para sa mga court proceding, pakikipagtrabaho sa law enforcement, o pakikipagtrabaho sa mga iba pang ahensiya.
    • Outreach/Kamalayan – Pagsasagawa ng pangkalahatang outreach o pagtataas ng kamalayan tungkol sa mga paksang kaugnay ng human trafficking.
    • Policy Advocacy – Tinatrabaho/itinataguyod ang mga anti-trafficking policy. 
    • Pananaliksilk – Organisasyon na nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa anti-trafficking.
    • Training – Organisasyon na available para magsagawa ng mga training at presentasyon tungkol sa human trafficking sa mga iba pang service provider, law enforcement, o iba pang mga stakeholder/entity.
    • Mga Oportunidad para Mag-volunteer – Pagbibigay ng mga oportunidad para lumahok bilang volunteer sa anti-trafficking field.

Ano-anong uri ng mga organisasyon ang puwedeng sumali sa GMSD?

  • Layunin ng GMSD na maging biswal na representasyon ng global anti-trafficking safety net, na naglilista ng mga organisasyon na nagbibigay ng mga direktang serbisyo, pati na rin ang mga nagbibigay ng di-direktang serbisyo, tulad ng pananaliksik at training. Nilalayon naming ipabilang ang mga NGO, CSO, multilateral institution, government stakeholder, at law enforcement agency na nagsisikap kalabanin ang modernong pang-aalipin pati na rin ang mga organisasyong tumutulong sa mga biktima ng trafficking habang tinutugunan ang mga kaugnay na isyu, tulad ng pananamantala sa manggagawa, proteksiyon ng mga bata, o karahasan sa tahanan.
  • Para makasali sa GMSD, puwedeng magsagot ang mga organisastyon ng aplikasyon na makikita dito o sa pagpunta sa pahina ng Mga Miyembro.
  • Kung miyembro na kayo ng GMSD at gustong i-update ang inyong impormasyon, mangyaring mag-click dito o puntahan ang pahina ng Mga Miyembro.

Paano sinusuri ang mga organisasyon para mapabilang?

  • Para matiyak na makakamit ng GMSD ang layunin nito na pagbibigay ng updated at de-kalidad na mga referral para matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng mga survivor, nirerebyu ang bawat aplikasyon at sinusuri bago idagdag sa GMSD. Ang mga organisasyong interesadong mapabilang sa database ay hinihiling na kumompleto ng isang form ng aplikasyon. Ang mga awtorisadong miyembro ng staff lang mula sa organisasyon ang dapat kumompleto ng form. Ang mga organisasyon na dati nang nasa GMSD ay hihilinging kumompleto ng taunang proseso ng pag-update, kung saan rerebyuhin at ia-update ang lahat ng mga field sa form para matiyak ang katumpakan pati na rin ang paglalagay ng mga bagong dagdag na impormasyon na nilalayong paghusayin pa ang proseso ng referral para sa mga survivor. Kapag naisumite na ang form, maaaring mag-follow-up sa email o tawag sa telepono ang GMSD staff para pag-usapan ang estruktura ng ahensiya, mga patakaran at pamamaraan ng pagseserbisyo, at mga available na serbisyo. Maaari ding kumonsulta ang GMSD staff sa mga lokal na partner para tumulong sa proseso ng pagsusuri.
  • Pakitandaan na ang pagkakabilang sa Global Modern Slavery Directory ay hindi indikasyon ng pag-endorso ng mga gumawa ng GMSD. Ang mga organisasyong nakalista sa GMSD ay nakatugon sa mga minimum na kahingian para sa pagpapabilang batay sa impormasyon na kaniya-kaniyang ni-report ng bawat organisasyon, at pumayag na ibahagi sa publiko ang kanilang impormasyon sa site. Para sa higit pang impormasyon at pamantayan sa pagpapabilang, rebyuhin ang GMSD – Service Provider Guidelines and Expectations document. Nagsagawa ang Directory ng mga makatwirang hakbang para i-verify na ang bawat organisasyon ay nakatugon sa pamantayan sa pagpapabilang; gayumpaman, hindi responsable ang Directory para sa katumpakan ng impormasyon na nilalaman ng site na ito.

Sino ang nagdedesisyon kung anong impormasyon ang ipapakita sa GMSD?

  • Maaaring pumili ang mga service provider na mailista sa publiko sa GMSD, o manatiling pribado/internal lang para sa GMSD staff. Kung pipiliin nilang maisapubliko, ipapakita ang sumusunod na impormasyon sa GMSD: impormasyon sa pagkontak, impormasyon sa lokasyon, mga populasyong pinaglilingkuran pati na rin ang mga serbisyong binibigay, mga bansa kung saan ito nag-o-operate, mga wikang sinasalita ng organisasyon, mga industriyal na sektor na pinagtatrabahuhan, anumang social media, at kung bahagi sila ng Freedom Collaborative o ng Eurasia Foundation. Makakapili ang mga organisasyong nakalista sa publiko kung anong impormasyon sa pagkontak ang gusto nilang maisapubliko sa GMSD. Kung hindi nagbigay ang organisasyon ng ilang impormasyon, hindi ito magiging available na ipakita sa GMSD.
This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.